P1-M shabu kumpiskado sa buy-bust | WSN

Nakamasid ang suspek na si Arnold Palioc habang sinisiyasat ng mga operatiba ang droga na nasamsam mula sa kanya. Contributed photo


 

CABANATUAN CITY – Mahigit P1-milyon halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang di-umano’y tulak ng iligal na droga mula sa lalawigan ng Aurora sa isang buy- bust operation na isinagawa ng mga pulis sa Barangay Bantug Bulalo dito bandang alas 6:50 ng umaga nitong Biyernes.

Ang suspek ay nakilalang si Arnold Palioc, 40, residente ng Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Ayon kay Cabanatuan City police chief Lt. Col. Carl Omar Fiel, modus ng suspek na makipagtransakyon sa pamamagitan ng text messaging at maningil ng paunang bayad sa pamamagitan ng isang virtual wallet app.

Napakagat umano si Palioc sa buy-bust at pumayag na magdeliber ng isang sachet ng shabu sa nasabing lugar matapos magpadala ang operatiba ng P5,000 sa kanyang virtual wallet.

Nang magkaabutan ng droga at buy-bust money ay inaresto si Palioc at dito na nasamsam mula sa kanya ang karagdagang 22 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 150 grams, ayon kay Fiel.

Batay sa umiiral na presyuhan, nagkakahalaga ito ng P1,020,000.

Lumalabas sa imbestigasyon na maraming beses nang nakapagpuslit ng droga sa Nueva Ecija ang suspek at minsan na rin itong naaresto sa lungsod na ito.

Inaalam pa ng pulisya kung saan kinukuha ng suspect ang droga at kung sino pa ang mga ka-transaksyon nito.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Palioc na nakaditine ngayon sa custodial facility ng CCPS.

P1-M shabu kumpiskado sa buy-bust | WSN[Whatsapp Status New]

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published.